Mga Talata sa Bibliya tungkol sa kagalakan
Malalim ang kagalakan sa Kasulatan at nananatili kahit sa karaniwang araw. Itabi ang mga ito para sa mga panahong kailangan mong maalala.
Nehemias 8:10
“Nang magkagayo'y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka't ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka't ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan.”
Mga Awit 16:11
“Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.”
Mga Awit 30:5
“Sapagka't ang kaniyang galit ay sangdali lamang; ang kaniyang paglingap ay habang buhay: pagiyak ay magtatagal ng magdamag, nguni't kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.”
Juan 15:11
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos.”
Mga Awit 118:24
“Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.”
Mga Taga-Galacia 5:22
“Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,”
Higit pang koleksyon ng talata
Magsimula